TV host/actor binalahura sa Twitter!

NAKALOLOKA ang Twitter world sa mga artista. May mga haters sila at mga pasaway na followers.

Tweet ng isang TV- host actor “I wonder kung anu-anong kalokohan gagawin ko if housemate ako sa PBB.”

Isang walang modong follower niya ang sumagot sa kanya ng ‘tumalon ka na lang sa tulay’ sabay mura at kung anong ‘word’ ang ginamit para sa kasarian ng TV-host actor.

Pinatulan naman ni TV host-actor ang bastos na follower ng ‘ikaw nagpapatunay na may katangahan sa mundo, ‘di ka mahal ng magulang mo no?’

Kalorky!

-0o0-

MAY fake Twitter Account din ang guwapong bida sa bagong Primetime show ng GMA-7 na One True Love na magsisimula sa June 11 na si Alden Richards. Ito ‘yung @aldenrichardsO2. Hawig na hawig sa tunay niyang Twitter Account na @aldenrichards02. 0 at O lang ang pagkakaiba.

Ang nakakaloka sa fake account tinawag pang ‘tita’ sina Assunta de Rossi at Jodi Sta. Maria na puwedeng ikagalit sa kanya.

Mabuti na lang mabilis ang announcement ni Alden na fake account niya ‘yun.

Hay, Kalorky!

-0o0-

READY si Governor Vilma Santos sa hamon sa mga opisyal ng gobyerno na isapubliko ang SALN. Legal lahat kung saan niya nakuha ang yaman niya.

“Wala namang problema. Eversince nakabukas ‘yan. In fact kapag naglalagay sila ng mga pulitikong medyo nasa top 5 na medyo malalaki ‘yung pera, nakakasama kami ni Ralph (Recto) kasi combined yung pera namin bilang mag-asawa. Di ba sinasabi nila minsan nasa top 5 kami, minsan nasa top 4 kasi nakalatag ang aming pera. Lagi namang bukas.

“At saka utang na loob 9 years old pa lang ako tinatrabaho ko na ‘yan,” sey  niya.

“Kung anong meron ako, pinaghirapan ko ‘yan at totoo may pera ako,” tumatawa niyang pahayag sa launching/presscon ng bago niyang ini-endorse na The Generics Pharmacy na nakikiisa sa advocacy nito na makatulong sa mga less-fortunate sa pamamagitan ng pagbibigay sa murang halaga ng mga gamot kasama ang Bb. Pilipinas-Universe na si Janine Tugonon.

“Kung may ku-question, utang na loob, magharap tayo,” sey pa niya.

Inamin pa niya, meron siyang dalawang dollar accounts.”Sa tinagal-tagal ko ba namang ito, meron ako,” bulalas pa niya.

Anyway, magha-honeymoon din ulit si Gov Vi at Senator Ralph Recto sa Hawaii kasama si Ryan Christian.
Hindi raw makakasama ang anak niyang si Luis Manzano. Pagkatapos nito ay magsisimula na siyang mag-promote ng pelikula niyang ‘The Healing’ ng Star Cinema. Isa raw ito sa pinakamasayang pelikula na nagawa niya kasama sina Kim Chiu, Janice de Belen, Pokwang at marami pang iba. First time rin niyang gumawa ng suspense thriller kasama si Direk Chito Ro?o.

“Gory yung ibang death scenes rito so we’re worried na baka paghigpitan kami ng MTRCB. Pero sabi ni Chito ipaglalaban daw niya,” sambit pa ng Star For All Seasons.

Dinenay din niyang tatakbo siyang Senador sa darating na eleksyon. Vice President ba ang tatakbuhin niya?

“I don’t think as far as that. May offers sa 2016 pero honestly, ayoko, mahirap yon. Sa 2013, I’m seeking for re-election as Batangas governor. Ito yung third at magiging last term ko,” sagot niya.

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply