TV networks pupulungin ng MTRCB kaugnay sa isyu ng gender-sensitivity

PUPULUNGIN ng Movie and Television Review Classification Board ang mga kinatawan ng iba’t ibang TV networks kaugnay ng gender sensitivity issues.

Ito ay kasunod ng kontrobersyal na pagwo-walk ng TV host na si Ruffa Gutierrez sa showbiz talk show na “Paparazzi.”

Ayon kay MTRCB spokesman Atty. Toto Villareal, ipatatawag nila ang management ng TV5 kahit wala pa silang natatanggap na reklamo hinggil sa walk-out ng aktres.

Ani Villareal kailangan din nilang pulungin ang management ng iba’t ibang television station para makapagbalangkas ng mga positibong hakbangin upang mas mapaganda ang mga ipinalalabas na na programa sa publiko.

Wala rin naman silang nakitang masama sa nangyari sa nasabing episode.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply