UFC: Evans sasagupain si Anderson Silva

HANDA umano si dating Ultimate Fighting Championship (UFC) light heavyweight champion “Suga” Rashad Evans na magpababa ng timbang sa middle weight division para lamang harapin ang defending champion, Anderson Silva.

Aminado si Evans sa proMMANow, na ayaw niyang  sumagupa sa middleweight dahil sa hirap na magbawas ng timbang hanggang 185-pound limit.

“I try to compete at my natural weight,” aniya sa Bloody Elbow.   “I may go to 185 and not be the same fighter, because I’m maybe cutting too much weight.”

Maliit si Evans sa light heavyweight pero gagamitin niya ang bilis bilang bentahe, subalit nagwagi sa lightheavyweight noong 2008.

Ang tanging rason na konsiderahin ang pagbaba sa middleweight ay sa bisa ng laban kay Silva.

Natalo kamakailan si Evans kay defending UFC light heavyweight champion Jon “Bones” Jones via unanimous decision sa UFC 145. Ito  ang kanyang ikalawang career loss.

Sa kabilang banda si Silva ay dedepensa ng UFC middleweight belt para sa ika-10 beses kontra karibal na si Chael Sonnen sa UFC 148 sa Hulyo 8.JCHAN

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply