Ulo ng magsasaka tagpas sa kabaro

DAHIL sa matinding alitan sa lupaing sinasaka, pinugutan ng ulo ang isang magsasaka ng kabaro sa Sitio Kahibaan, Barangay Balagtasan, siyudad ng Lamitan, Basilan, sa ulat ng pulisya ngayon.

Dinakip kagabi ng mga awtoridad ang suspek sa pamumugot na si Edxel Tado Sta. Maria, 40, residente ng naturang barangay.

Kinilala naman ang pinugutan na si Dizon Cuyog Sumayang, 67 anyos, na nagtamo rin ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Lumalabas sa pagsisiyasat na matagal na ang alitan ng dalawa at maging ng kanilang mga pamilya dahil sa ilang ektaryang lupa na pinag-aawayan ng mga ito sa lugar na nagsisilbing sakahan ng mga magsasakang benipisaryo ng Department of Agriculture (DA).

Ang suspek ang siyang tumatayong presidente ng grupo ng mga magsasaka sa ilalim ng programa ng DA na ibinibigay sa lugar.

Pasado alas-5:00 kahapon nang harangin umano ng suspek ang biktima dala ang isang mahabang bolo na ginagamit niya sa bukid. Ilang saglit pa ay nagsigawan na ang dalawa at bigla na lamang pinagtataga ng suspek ang biktima.

Pagkatapos ng krimen ay nakatakas pa ang suspek subalit sa kalaunan ay nahuli rin sa isinagawang follow up operation kagabi ng pulisya sa lugar.

Nakakulong na ngayon sa Lamitan PNP ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply