Ulo ng mga smuggler sa Aduana, pagugulungin na

ISA-ISA nang pagugulungin ng Bureau of Customs ang mga ulo ng mga sinasabing ‘bad eggs’at mga ‘hao-shiao’ sa ahensyang ito matapos na simulan ni Comm. Ruffy Biazon ang kampanya nito na linisin ang bakuran ng BOC na matagal nang pinamamahayanan ng mga kawatan sa Aduana.

Kung noon ay malayang naisasagawa ng mga kawatan sa Pier ang kanilang mga iligal na aktibidades sa Customs, kay Biazon ay walang sinomang korap at ismagler ang sasantuhin ng nasabing komisyuner.

Sa isang kalatas na naka-lap po natin, batay sa nabasa natin sa memorandum ay iniutos ni Ruffy na isa-isa ni-yang “pagugulungin ang mga ulo” ng mga protektor at mga nagkakanlong sa sindikatong nahuli kamakailan sa loob pa mismo ng Aduana.

Matatandaan na kamakailan ay inaresto ng grupo ni ret. George Aliño ng Enforcement Security Services sa aktong gumagawa ng iligal sa bakuran ng BOC ang pitong “hao-shiao” na kawani ng BOC na sangkot ng dalawang broker.

Sa teamwork nina Biazon at Alino ay pinagpasyahan ng mga ito na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para  matukoy ang mga mastermind ng sindikato  upang tuluyan nang magiba ang kanilang emperor sa Aduana.

Malaki ang kutob ni Biazon na hindi mga “kakaning-itik” ang grupong nasabat ng kanyang mga tauhan kundi grupong mga bigatin na may mga malalakas na kapit mula sa gobyerno at mga militar at pulisya.

Walang ‘all-out’ kay Aling Tessie

Wow naman itong puwesto pihong peryahan ni Aling Tessie.

Aba’y sa kabila ng  “all-out war” sa lahat ng uri ng iligal na pasugalan ay patuloy ang operasyon ng peryahan nito sa palengke ng San Pablo, Laguna.

Ang katwiran niya, may pan-Lagay siya.

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 09189-274764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply