UNA kampi kay Migz

POSIBLENG kumalas sa United Nationalist Alliance (UNA) si Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel III makaraang kampihan ng alyansa ang kandidatura ni dating Sen. Juan Miguel Zubiri upang maging bahagi ng senatorial slate sa pinagsanib na puwersa ng Partido Demokratikong Pilipino-LABAN (PDP-LABAN) at ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP).

Sa ginanap na pulong balitaan kahapon sa tanggapan ni Vice President Jejomar Binay sa Coconut Palace, sinabi ni UNA spokesman JV Bautista na nagkasundo ang liderato ng alyansa na isama sa kanilang tiket si Zubiri sa kabila ng mahigpit na pagtutol ni Pimentel.

Ayon pa kay Bautista, mismong si dating Pangulong Joseph Estrada ang nag-endorso sa Mindanao solon upang makasama sa 12-man senatorial line-up ng alyansa na isasabak sa darating na halalan sa Mayo 2013.

Sinabi pa ni Bautista na inirerespeto ng alyansa ang personal na sentimiyento at nararamdaman ni Pimentel, subalit hindi walang personalan sa loob ng UNA.

Ayaw na rin magbigay ng opinyon si Bautista kung ano ang gagawin ni Pimentel sa ginawang kapasyahan ng alyansa.

“The decision is now left to Koko,” pahayag pa ni Bautista.

Inihayag din ni Bautista na inimbitahan ng alyansa si Pimentel bilang presidente ng PDP-Laban na ginanap na pagpupulong ng UNA executive committee, subalit hindi ito sumipot.

Anya, malinaw sa covenant of unity ng UNA, kung saan isa si Pimentel sa mga lumagda,  na ang sinuman kasapi ng partido nakapaloob sa alyansa ay awtomatikong magiging kandidato ng UNA sa halalan.

Sumapi sa PMP si Zubiri noong Mayo, kasama si Manila Vice Mayor Kiko Moreno at ang 28 konsehal ng Maynila.

Nauna nang nagbanta si Pimentel na kakalas sa alyansa kung ipipilit ng UNA na isama si Zubiri sa kanilang senatorial line-up.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply