UNA, LP, tinabla ni Bong Revilla

HINDI papatulan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., ang anumang insinuwasyon na makipag-alyansa ang Partido Lakas sa United Nationalist Alliance (UNA) ni Vice President Jejomar Binay at Liberal Party ni Pangulong Benigno Aquino para sa 2013 mid-term elections.

Sa panayam sa radio nitong Linggo, sinabi ni Revilla na mananatiling nasa gitna lamang at nagmamasid ang Partido Lakas sa susunod na halalan at hindi makikipag-alyansa sa alinmang partido pulitikal.

“Lakas will stay in the middle, we will not make alliances to any party but we will support our partymates. We will just be quite, let see in 2016, but not in 2013. Tahimik muna tayo at palalakasin lang naming at susuportahan ang mananatili sa partidong ito,” ayon kay Revilla.

Sinabi pa ni Revilla na inaasahan na ng pambansang lider ng Lakas Party ang paglipat sa administration party at iba pang alyansa tulad ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay na sumapi sa UNA.

“We expect that, tuwing may bagong administration, lumilipat ang majority for political survival and we understand that, ganoon din naman sa panahon ni Erap,” ayon kay Revilla.

“In my case, nanindigan tayo sa partidong ito dahil dito tayo nagmula, sabi ko dito na ako nagsimula, dito na rin ako mamamatay. Paninindigan ko ang partidong ito at papalakasin ko. Naniniwala ako na di pa patay ang Lakas, buhay na buhay at palalakasin pa,” dagdag niya.

Pero, sinabi pa ni Revilla na magpapakalat ng kandidato ang Lakas sa national level at mamimili ng kandidato sa ibang partido kung sino ang susuportahan ng Lakas.

“Definitely in 2013, we will field national candidates, pero pipili kami ng susuportahan naming na naniniwala sa amin. Sa local, marami pa naman kami, we still have 123 governor, 28 congressmen, and 12o mayors. Mataas pa ang numero ng miyembro, maliban pa dun sa councillors pababa. They cannot undermine Lakas,” aniya.

Inihayag din ni Revilla na hindi tatakbong senador si Bacoor City Rep. Lani Mercado dahil pangit umanong tignan na may mag-asawang mambabatas sa Senado.

“Baka mabantayan ako araw-araw, joke. Ayaw kong mapulaan, husband and wife in the Senate, Maybe in 2016, pag-iisipan ko kong patakbuhin siya bilang senador o hindi. Para sa akin, ang husband and wife, hindi yata magandang tingnan,” ayon sa senador.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply