UNA, tinalikuran ni Koko Pimentel

PORMAL nang ibinasura ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang pakikipag-alyansa sa United Nationalist Alliance (UNA) matapos siyang personal na magpa-alam kay dating Pangulong Joseph Estrada, his wedding sponsor.

“Galing ako sa bahay ni Erap, and I said Sorry Ninong, and we talked a little, but the former president did not make any effort to stop me,” ayon kay Pimentel nitong Huwebes.

Sinabi ni Pimentel na hindi niya matanggap na tumakbo kasama ang kanyang kalaban sa pulitika, si dating Senador Juan Miguel Zubiri, na mangangampanya sa 2013 midterm elections.

“Hindi ko talaga masikmura na tumakbo kasama ang kalaban ko, It is my personal decision,” ayon kay Pimentel.

Pero, sinabi ni Pimentel na tatakbo siyang independent sa ilalim ng banner ng PDP ngunit mananatili ang alyansa ng PDP-Laban sa Partido ng Masang Pilipino ni Estrada.

“Tatakbo ako bilang independent sa ilalim ng PDP, and the alliance between PDP-Laban and PMP still remained,” ani Pimentel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply