Unang araw ng klase sa Rosario, Cavite suspendido

KINANSELA ang klase sa unang araw ng pasukan sa pampublikong elementarya at high school sa lahat ng distrito ng Rosario, Cavite bunsod ng masamang panahon.

Ang naturang balita ay kinumpirma mismo ng Department of Education (DepEd) Division of Cavite kung saan tuluy-tuloy ang nararanasang pag-ulan at pagbaha sa lugar.

“As per verification from the DepEd Division of Cavite, please be informed that all districts of Rosario, Cavite suspended its classes.”

Una nang napaulat na binigyan na ng kapangyarihan ng DepEd ang mga local government unit (LGU) na mag-anunsyo ng suspensyon ng klase, kung kinakailangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply