Underbone Kings ng Novaliches

PATULOY sa pag-arangkada ang 2012 Shell Advance Motorcycle and Underbone Challenge at noong isang linggo, umabot sa 847 ang bilang ng lumahok sa Novaliches round ng nasabing paligsahan.

Para sa time trials, si Jonel Mercado ang nakakuha ng unang pwesto at ng pinakamalaking cash prize na P5,000 nang araw na iyon. Pumangalawa naman si Lloyd Felixina na nakatanggap ng P3,000 at ikatlo naman si Christopher Pineda na nakakuha ng P2,000.

Nagpa-astigan naman ng disenyo ang ilang mga riders, gaya nina Restauro Verlito, Nasroden Mamarinta at Eric Nonsol para sa Best Dressed-Stock Category.  First place si Verlito, kasunod si Mamarinta, at 3rd place naman si Nonsol. Ang scooter naman ni Joe Mark Jervoso ang nagwagi sa Open category, ikalawa ang kay Mark Primitivo at ikatlo naman ang kay Arnel Coranez.

Umabot sa halos P17,000 ang naipamigay na cash prize nang araw na iyon. Ang mga nagwagi ay nakatanggap rin ng libreng Shell Advance Oils at iba pang freebies mula sa Shell. Ang 2012 Shell Advance Underbone Kings Challenge ay pinangungunahan ng Shell Advance at RACE Motorsports Club.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply