UNICEF: Pneumonia, diarrhea No.1 killer ng mga bata

NANGUNGUNA ngayon sa talaan ng mga nakamamatay na karamdaman sa mga bata sa mundo ang pneumonia at diarrhea.

Batay sa inilabas na report ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), mahigit sa dalawang (2) milyong bata sa mundo ang namamatay sa naturang mga sakit kada taon o katumbas ng 29 porsiyento ng child deaths sa mga batang wala pang limang taong gulang.

Kasama sa mga bansa na pinakamaraming bata ang namamatay sa pneumonia at diarrhea ang India, Nigeria, Democratic Republic of Congo, Pakistan at Ethiopia.

Hinikayat ng UNICEF ang mga bansang pinakamataas ang “child mortality rate” na tugunan ang problema sa pamamagitan ng pagbabakuna laban sa mga sakit na nagdudulot ng pneumonia at diarrhea, pagpo-promote ng breastfeeding at ang pagkakaroon ng malinis na tubig at maayos na sanitasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply