‘Unidentified aircraft’ sa Panatag iimbestigahan

INATASAN ng Malakanyang ang  mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na siyasating mabuti ang namataang “unidentified aircraft” sa pinag-aagawang Scarborough Shoal sa karagatang sakop ng Masinloc, Zambales.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nag-iingat sila sa pagbibigay ng komento upang hindi lumala ang tensyon lalo sa China.

Ani Valte,  pursigido ang gobyerno na magkaroon ng mapayapang resolusyon sa nasabing sigalot kaya iniiwasan ang anumang mga ispekulasyon.

Nauna nang sinabi ni Philippine Air Force spokesperson Lieutenant Colonel Miguel Okol, sa ngayon ay wala pang katiyakan kung aling bansa ang nagmamay-ari ng naturang eroplano.

Matatandaang lumabas ang ulat na posibleng jet fighter ng China ang nakitang pumasok sa Philippine airspace noong June 11 sa taas na 20,000 feet.

Itinanggi naman ito ng Chinese Embassy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply