UP freshman, inatake sa puso sa pagbubukas ng klase

NAMATAY sa atake sa puso ang isang University of the Philippines (UP) Manila freshman matapos mag-collapse sa kasagsagan ng  freshmen welcome ceremonies sa Diliman Film Center sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon, Hunyo 13.

Sinabi ni UP Manila Vice Chancellor for Planning and Development Dr. Abundio Balgos, dinala agad ang biktimang si Celica Javier, isang UP Manila freshman nursing student sa Philippine Heart Center (PHC) matapos magreklamo ng panghihina sa kanyang kanang bahagi ng katawan at matinding pananakit ng ulo.

Gayunman, inilipat din ito agad sa intensive care unit ng Philippine General Hospital (PGH) para sa kaukulang medical attention pero dakong ala 1:34 ng hapon ay namatay na rin ito.

“An emergency CT scan confirmed the presence of a left intra-cerebral bleed most likely secondary to a suspected ruptured arterio-venous (A-V) malformation,” paliwanag nito.

“An A-V malformation is a tangle of abnormal blood vessels, most of the time present from birth and usually goes undetected unless it presents symptoms from an intra-cerebral bleed or seizure or even discovered just incidentally when a person is being worked up for another reason,” dagdag pa ni Balgos.

Sinabi ni Balgos na ang 16-anyos na estudyante ay nagkaroon ng paulit-ulit na ‘episodes of seizures’ at ang sintomas nitong Lunes ay maaring sanhi ng kawalan ng hangin sa kanyang utak, sa kabila ng full ventilatory support, na nagresulta kaya ang kanyang kondisyon ay biglang lumalala at nagkaroon ito ng irreversible brain damage.

“Her death shall not go in vain for she leaves the academic realm and the medical profession touched more than ever,” pahayag ni Balgos, “She leaves us all the more committed to healing the sick and the dying.”

Ang labi ni Javier ay ilalagak sa St. Peter’s Chapel sa Quezon Avenue.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply