UPDATE: 10 na patay sa pag-ulan

SAMPU na ang kumpirmadong patay dahil sa matinding pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa dulot ng shallow low pressure area (SLPA) na namataan sa South Cotabato, Mindanao.

Ayon sa NDRRMC, kabilang sa sampung namatay ay ang pitong bangkay na narekober mula sa lumubog na MV Josille 2 sa karagatang sakop ng Palawan nitong Martes gn gabi.

Kabilang din sa namatay ang dalawa dahil sa pagbaha sa Sarangani at isa sa Davao City, dahil sa pagguho ng lupa.

Kahapon, nasa pito na ang patay sa lumubog na barko matapos marekober ang bangkay ng isang Juanito Tito at isa pa na inaalam ang pagkakakilanlan.

Narito ang pangalanan ng mga namatay:

– Sagapo Cabigding (Sarangani)
– Rolando Mata (Sarangani)
– Sweet Jhara Onad, 10-anyos (Davao City)
– Jeka Mae Estareja (lumubog na barko)
– Pamela Ann Clarissa (lumubog na barko)
– Junjun Atienza, crew ng MV Josille 2
– Nita Huyo (lumubog na barko)
– Ceverino Eliso (lumubog na barko)
– Juanito Tito (lumubog na barko)
– isang ‘di pa nakikilala

Ayon sa NDRRMC, kahit na sa Mindanao naitala ang SLPA ay nagdadala ito ng pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa at pagtaas ng alon sa mga karagatan, partikular sa West Philippine Sea dahil sa tinatwag na gale force.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply