UPDATE: 30 nawawala sa Catanduanes ligtas na

LIGTAS na ang 30 mangingisda na napaulat na nawawala makaraang magkaaberya ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Catanduanes.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), nasagip ang mga mangingisda sa Barangay Tinago, Viga, Catanduanes nang makita ng mga opisyal ng Barangay Viga at Gigmoto.

Nabatid na lulan ng FB Crismar ang 30 mangingisda mula Infanta, Quezon at nawalan ng gasolina malapit sa karagatang sakop ng bayan ng Baras.

Inaasahang makararating ang nasabing bangka sa Barangay Tinago upang magkarga ng gasolina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply