UPDATE: ‘Ambo’ lumakas pa; 6 na lugar nasa signal No. 1

AYON sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lumakas pa si bagyong Ambo, na isa ng tropical storm habang tinutumbok ang direksyong hilaga, hilagang kanluran.

Anim na lugar na ang isinailalim sa signal number 1 na kinabibilangan ng Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Polilio Island, Aurora at Isabela.

Dakong alas-4:00 ngayong hapon, namataan ng ang sentro ni Ambo sa layong 190 kilometro hilagang silangan ng Virac, Catanduanes na may taglay na lakas ng hanging umaabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugsong 80 kilometro bawat oras.

Bahagya ring bumagal si Ambo sa 15 kilometro kada oras.

Sa Sabado ng hapon, tinatayang nasa layong 220 kilometro silangan, timog silangan ng Aparri, Cagayan ang bagyo, habang sa Linggo, ay nasa 280 kilometro silangan, hilagang silangan ng Baso, Batanes.

Inaasahang paiigtingin ni Ambo ang hanging habagat na magbubunsod ng pag-ulan sa western section ng Southern Luzon at Visayas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply