UPDATE: ‘Ambo’ lumakas pa; 7 lugar signal No. 1

PITONG lugar na ang inilagay sa storm signal number one dahil kay Tropical Storm “Ambo.”

Ang mga lugar na nasa signal No. 1 ay ang mga sumusunod:
-Catanduanes
-Camarines Sur
-Camarines Norte
-Polilio Island
-Aurora
-Isabela
-Cagayan

Sa pinakahuling tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lumakas pa si Ambo habang tinutumbok ang direksyong hilaga-hilagang kanluran.

Dakong alas-4:00 ng madaling-araw, namataan ang sentro ni Ambo sa layong 220 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 75 kilometro kada oras at may pagbugsong 90 kilometro kada oras habang kumikilos patungong hilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras.

Bukas ng umaga, tinatayang nasa layong 240 kilometro hilagang silangan ng Tuguegarao City ang bagyo.

Ayon sa PAGASA, inaasahang paiigtingin ng bagyo ang hanging habagat na magdudulot ng pag-ulan sa western section ng Southern Luzon at Visayas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply