UPDATE: ‘Ambo’ pumipihit na patungong Japan

TULOY sa pagbuhos ang malakas na ulan na dala ng bagyong “Ambo” kahit pa unti-unti na itong pumipihit papuntang katimugan ng bansang Japan.

Bagamat inaasahang hindi na tatama ang sentro ng bagyo sa kalupaan ng Pilipinas ay patuloy itong magdudulot ng mga pag-ulan sa buong Luzon maging sa bahagi ng Visayas dahil sa lawak ng dala nitong kaulapan.

Ayon sa PAGASA, natukoy kaninang madaling araw ang sentro ng bagyo sa layong 220 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot ng 90 kilometro bawat oras.

Umuusad ito ng pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 13 kilometro bawat oras.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang storm signal number 1 sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Polillo Island, Aurora, Isabela at Cagayan.

Dahil dito, pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente na nasa lugar na apektado ng bagyo na paghandaan ang posibleng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Pinagbabawalan din ang mga sasakyang pandagat maging ang mga mangingisda na pumalaot sa karagatang bahagi ng silangan ng Luzon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply