UPDATE: Bagyong Carina nakalabas na ng Pinas

NAKALABAS na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong “Carina” (Talim) na tumagal lamang ng halos tatlong oras sa loob ng bansa.

Sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) ngayong umaga, natukoy ang sentro ng naturang sama ng panahon sa layong 640 kilometro sa Hilaga, Hilagang Silangan ng Basco, Batanes o sa labas ng karagatang sakop ng ating bansa.

Sinabi naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na napanatili ng bagyong Carina ang lakas nito na 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 90 kilometro bawat oras.

Kumikilos pa rin ito ng pahilagang silangan sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Nabatid na pumasok ang nabanggit na bagyo bandang alas-7:00 kagabi at nakalabas bandang alas-10:00 kagabi.

Sa kabila nito, nananatili ang babala ng PAGASA sa mga mangingisda sa Hilagang Luzon dahil sa malalaking alon na epekto ng nasabing sama ng panahon.

Nauna rito lumawak  ang mga lugar na naapektuhan ng Hanging Habagat (southwest monsoon) dahil sa Tropical Storm Talim.

Batay sa forecast track kahapon ng JTWC ng U.S. Navy naapektuhan ng mga kaulapang dala ng bagyo ang Northern at Western Luzon, mula Ilocos provinces hanggang Zambales, kasama na rin ang Benguet at Batanes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply