UPDATE: Bagyong Dindo napanatili ang lakas

NAPANATILI pa rin ng bagyong Dindo ang lakas nito habang tinatahak at nagbabanta sa dulong bahagi ng Hilagang Luzon.

Huling namanataan ng PAGASA ang sentro ng bagyong Dindo sa 150 kilometro ng Silangan Hilagang Silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 75 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna ay may pagbugsong umaabot sa 90 kph.

Kumikilos ang bagyo pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 19 kph.

Nakataas ang storm signal No. 2 sa mga sumusunod na lalawigan:

– Cagayan
– Calayan Group of Islands
– Babuyan Group of Islands
– Isabela
– Batanes Group of Islands
– Apayao
– Kalinga
– Ilocos Norte
– Abra
– Mt. Province

Signal No. 1

– La Union
– Ilocos Sur
– Aurora
– Ifugao
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Benguet
– Pangasinan
– Nueva Ecija

Sa panibagong bulletin ng PAGASA, inaasahan na mamayang ala-una ng hapon ay nasa Aparri, Cagayan ang bagyong Dindo.

Asahan din ang madalas na pag-ulan sa Gitna at Hilagang Luzon.

Pinapayuhan pa rin ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot sa seaboards ng Gitna at Katimugang Luzon at Kanlurang Visayas dahil sa epekto ng bagyo at Hanging Habagat.

Inaasahan na bukas ng umaga ay nasa 310 km ng Hilagang Kanluran ng Aparri, Cagayan o nasa 240 km ng Kanluran ng Basco, Batanes si Dindo.

Sa Sabado naman ng umaga ay inaasahang nasa 630 km ng Hilagang Kanluran ng Basco, Batanes at palabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply