UPDATE: Bicol Express tragedy sisiyasatin ng DOTC

IIMBESTIGAHAN ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang malagim na trahedya sa Iriga City kahapon nang suwagin ng tren ang isang tricycle na ikinasawi ng anim na katao.

Agad na ipinag-utos ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na bumuo ng task force na tututok sa nasabing trahedya lalo pa at ito na ang ikapitong pagkakataon na nasangkot ang Bicol Express ngayong taon.

Nabatid na sa mga oras na ito ay nakalabas na ng kulungan ang makinista ng tren na si Froilan Follero.

Ayon sa awtoridad, sa Lunes ay pormal nang sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to properties si Follero.

Iginiit naman ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR)-Naga na walang kasalanan ang kanilang makinista. Anila, sanay ito sa pagpapatakbo ng tren at kabisado ang mga crossing at lugar na dapat mag-ingat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply