UPDATE: ‘Butchoy’ bumagal, lakas napanatili

BAGAMA’T bumagal ang pagkilos ng bagyong “Butchoy” napanatili nito ang lakas habang tinatahak ang karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 780 kilometro, Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay ng bagyong “Butchoy” ang lakas ng hanging umaabot sa 95 kilometro kada oras at pagbugsong 120 kilometro kada oras.

Si Butchoy ay kumikilos ng pa-Kanluran-Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (Par) si Butchoy sa Martes, Hunyo 19 patungo sa direksyon ng Okinawa, Japan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply