UPDATE: ‘Butchoy’ lumakas pa

LUMAKAS pa si “Butchoy” na isa nang ganap na typhoon habang tinatahak nito ang direksyon ng Hilaga Hilagang-Kanluran.

Ayon sa 11:00 a.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA), namataan ang sentro ng bagyo sa layong 470 kilometro ng Silangan Hilagang-Hilangan ng Borongan, Eastern Samar (13.2°N, 129.9°E).

Taglay ni Butchoy ang lakas ng hangin na 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 150 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyon ng Hilaga Hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Bukas ng umaga (Linggo) inaasahan na ang bagyong Butchoy ay nasa layong 590 kilometro ng Silangan Timog-Silangan ng Casiguran, Aurora at nasa 500 kilometro Silangan Timog-Silangan ng Basco Batanes sa Lunes ng umaga. Habang sa Martes ng umaga ay tinatayang nasa 690 kilometro ng Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.

Pag-iibayuhin pa rin ni Butchoy ang Hanging Habagat na magpapaulan sa Luzon at Visayas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply