UPDATE: Bagyong ‘Butchoy’ lumakas pa

BAHAGYANG lumakas pa ang bagyong “Butchoy” habang patuloy na tinatahak ang direksyong Kanluran Hilagang-Kanlaruan, base sa 11 a.m. bulletin ng PAGASA.

Namataan ng PAGASA kaninang alas-diyes ng umaga ang sentro ng bagyo sa 510 kilometro ng Silangan Timog Silangan ng Guiuan, Eastern Samar, dala ang lakas na hangin na 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 140 kilometro bawat oras habang tinutumbok ang Kanluran sa 15 kilometro bawat oras.

Si Butchoy na may tropical name na Guchol ay inaasahang nasa 280 km East Northeast ng Borongan, Eastern Samar sa Sabado ng umaga, 380 km ng East Southeast ng Casiguran, Aurora sa Linggo at 320 km East Southeast ng Basco, Batanes sa Lunes.

Iniulat din ng PAGASA na ang tinatayang rainfall amount ni Butchoy ay mula 15–25 mm kada oras.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda sa Northeastern Mindanao na mag-ingat sa paglalayag dahil sa malalaking alon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply