UPDATE: ‘Butchoy’ maliit ang tsansang mag-landfall

MALIIT ang tsansang tumama sa lupa ang bagyong Butchoy. Ito ang pagtaya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Si Butchoy ay huling namataan sa layong 880 kilometro ng East of Guiuan Eastern Samar na may lakas na hangin na 85 kilometers per hour (KPH) malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 100 kph.

Kumikilos si Butchoy sa kanluran, hilaga-kanluran sa bilis na 24 kph.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility si Butchoy sa Martes.

Patuloy namang nagpaalala ang PAGASA at iba pang ahensya ng pamahalaan sa mga mamamayan na mag-ingat, maging alerto at patuloy na i-monitor ang updates hinggil sa bagyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply