UPDATE: Butchoy napanatili ang lakas; storm signal sa E. Samar inalis

NAPANATILI ng Tropical Storm “Butchoy” ang lakas nito habang kumikilos Pahilaga Hilagang Kanluran.

Batay sa 5:00 a.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong alas-4:00 kaninang madaling araw, namataan ang sentro ng bagyo sa 480 kilometro Silangan Hilagang Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay ni Butchoy ang lakas ng hanging nasa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong 140 kilometro kada oras habang kumikilos Pahilaga Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Bukas, Linggo tinatayang nasa 420 kilometro Hilagang Silangan ng Borongan, Eastern Samar si Butchoy.

Ibinaba na rin ang babala ng bagyo na unang itinaas sa Eastern Samar.

Gayunman, paiigtingin ni Butchoy ang Hanging Habagat na siyang magdadala ng ulan sa Luzon at Visayas lalo na sa western section na maaaring magdulot ng flashfloods at landslides.

Nagpaalala pa rin ang PAGASA sa mga bangkang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat na huwag maglayag sa seaboards ng Luzon, Visayas at Eastern Mindanao dahil sa malalaking along dulot ng bagyo at ng Habagat.

Pinaalalahanan din ang publiko na subaybayan ang update hinggil sa bagyo na inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility sa Martes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply