UPDATE: ‘Butchoy’ wala pang direktang epekto sa bansa

AYON sa PAGASA walang pang direktang epekto ang bagyong “Butchoy” sa kabila nang bahagyang paglakas at bahagyang paglapit nito sa silangan ng Visayas.

Huling namataan ang sentro ni Butchoy sa layong 510 kilometro sa Silangan Timog Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

May dala itong hangin na umaabot sa 110 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na aabot sa 140 kilometro bawat oras.

Tinatahak ng bagyo ang direksyon na Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Nilinaw ng PAGASA na Hanging Habagat ang nagpapaulan ngayon sa Luzon at Visayas.

Sinabi rin ng PAGASA na pag-iibayuhin ng bagyo ang Habagat kaya’t kahit hindi tatama ang sentro ng bagyo sa kalupaan ng bansa ay magdadala ito ng karagdagang ulan sa Eastern Samar, Bicol Region o buong bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.

Pinaalalahanan pa rin ng PAGASA ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot sa karagatan, partikular na ang mga naapektuhan ng sama ng panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply