UPDATE: ‘Butchoy’ nakapasok na sa teritoryo ng Pinas

SA PINAKAHULING ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang ikalawang bagyo ngayong taon na tinawag na “Butchoy.”

Sa isang press briefing kaninang umaga sa PAGASA, sinabi ng weather bureau na namataan ang sentro ni Butsoy sa layong 880 kilometer ng East of Guiuan, Eastern Samar na may lakas ng hangin na umaabot sa 85 kilometer bawat oras malapit sa gitna hanggang 100 kilometro bawat oras at kumikilos patungo sa direksyon ng Hilaga-Kanluran ng 24 kilometro bawat oras.

Ayon sa PAGASA ang bagyong Butxhoy ay inaasahan na nasa 560 kilometro ng Silangan ng Virac, Catanduanes bukas ng umaga, at nasa 320 kilometro ng Hilaga-Kanluran ng Virac, Catanduanes sa Sabado habang nasa 310 kilometro ng Hilaga-Silangan ng Aparri, Cagayan sa Linggo.

Inaasahang lalabas si Butchoy sa teritoryo ng bansa sa Martes at tutumbukin ang direksyong pa-Okinawa Japan.

Nilinaw ni PAGASA Chief Forecaster Robert Sawi na hindi pa rin nakaaapekto sa bansa ang bagong bagyo at ang tinatawag na series of low pressure area (LPA) o monsoon trap sa Hilagang-Kanluran ng Northern Luzon ang nagdudulot ng pag-ulan ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply