UPDATE: Dialysis ni Dolphy natuloy

MULING isinailalim sa dialysis si Comedy king Rodolfo “Dolphy” Vera Quizon makaraang bumuti ang kanyang kondisyon ngayong umaga.

Ayon sa report sa telebisyon, sinabi ni  Ronnie Quizon na ipinagpatuloy ang naturang procedure na nahinto dahil sa lumalang kondisyon nito kamakalawa bunsod ng komplikasyon sa pneumonia.

Kaugnay nito, umapela ang nakababatang Quizon na itigil na ang pagpapakalat ng mensaheng ang kanyang ama ay sumakabilang buhay na.

Patuloy namang binabantayan ng pamilya Quizon sa Makati Medical Center si Dolphy kasama ang aktres na si Maricel Soriano na matagal niyang nakasama sa sitcom na “John En Marsha”na gumaganap bilang anak nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply