UPDATE: Dindo mananalasa sa extreme Northern Luzon

INAASAHAN na ngayong umaga mananalasa ang bagyong Dindo sa extreme Northern Luzon kaya naman pinag-iingat ang mga residente sa mga maaapektuhang lugar.

Ayon sa PAGASA, napanatili ni Dindo ang lakas nito habang kumikilos pa-extreme Northern Luzon.

Kaninang alas-singko ng umaga, huling namataan ang sentro nito sa 260 kilometro ng Silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 75 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 90 kph.

Kumikilos ang bagyo pa-Kanluran Hilagang kanluran sa bilis na 19 kph.

Bukas ng umaga tinatayang nasa 190 kilometro ng Hilaga Hilagang Kanluran ng Aparri, Cagayan ang bagyo habang sa Sabado ng umaga ay inaasahang nasa 530 kilometro ng Hilagang Kanluran ng Basco, Batanes

Nakataas ang storm signal No. 2 sa mga sumusunod na lalawigan:

– Cagayan
– Calayan Group of Islands
– Babuyan Group of Islands
– Isabela
– Batanes Group of Islands
– Apayao
– Kalinga
– Ilocos Norte
– Abra
– Mt. Province

Nakataas ang storm signal No. 1 sa mga sumusunod na lalawigan:

– La Union
– Ilocos Sur
– Aurora
– Ifugao
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Benguet

Mahigpit pa ring pinapayuhan ng PAGASA ang mga fishing boats at iba pang maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot sa seaboards ng Central at Southern Luzon, at maging ng Western Visayas dahil sa epekto ng bagyo at ng Hanging Habagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply