UPDATE: ‘Dindo’ tuloy ang banta ng pananalasa sa dulong Hilagang Luzon

TULOY ang banta ng pananalasa ng bagyong Dindo habang papalapit sa dulong Hilagang Luzon na maaaring magdulog ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa.

Huling namataan ng PAGASA kaninang alas-4:00 ng hapon ang sentro ng bagyong Dindo sa 140 kilometro ng Hilaga Hilagang Silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 75 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 90 kph.

Kumikilos si Dindo ng pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 19 kph.

Bukas ng umaga, inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Dindo.

Nakataas ang storm signal no. 2 sa mga sumusunod na lalaiwgan:
– Cagayan
– Calayan Group of Islands
– Babuyan Group of Islands
– Batanes Group of Islands
– Apayao
– Ilocos Norte

Habang signal no. 1 naman sa mga sumusunod na lalawigan:
– Abra
– Kalinga
– Isabela
– Ilocos Sur
– Mt. Province
– Ifugao
– La Union
– Benguet
– Pangasinan
– Nueva Vizcaya
– Quirino

Sa pagtaya ng PAGASA pinag-iibayo ng bagyo ang Hanging Habagat na siyang magpapaulan sa Katimugang Luzon at Visayas, lalo na sa Kanlurang bahagi na maaaring magdulot ng landslides at flashfloods.

Pinapayuhan pa rin ng PAGASA ang mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot sa kaaragatang sakop ng Gitnang Luzon at Hilagang Luzon, at Kanlurang Visayas dahil sa pinagsamang epekto ng bagyo at ng Hanging Habagat.

Binabantaya din ng PAGASA ang low pressure na namataan malapit sa Mindanao na malaki ang posibilidad na maging ganap na bagyo.

Sa oras na pumasok ang naturang LPA ay tatawagin itong “Enteng.”

Samantala, ilang lugar sa Ilocos Norte ang lubog sa tubig-baha at ilang palaisdaan sa Ilocos Sur ang umapaw.

Ilang tulay rin sa Bangui, Ilocos Sur ang hindi na madaanan ngayon.

Nasa 30 pasahero at 19 na rolling cargo ang istranded ngayon sa Cagayan makaraang pigilan ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe dahil sa bagyong Dindo.

Hinihintay ng mga pasahero sa Aparri at San Vicente Port na bumuti ang panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply