UPDATE: Lakas napanatili ng bagyong Dindo

NAPANATILI ng bagyong Dindo ang lakas nito habang papalapit sa Extreme Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA huling namataan ang sentro ng bagyo sa 430 kilometro ng Silangan Timog Silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay ni Dindo ang lakas ng hangin na 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot sa 90 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras.

Sa pagtaya ng PAGASA, bukas ng hapon ay nasa 190 kilometro ng Silangan Hilagang Silangan ng Tuguegarao, Cagayan habang sa Biyernes ay nasa 210 kilometro ng Kanluran Hilagang Kanluran ng Basco, Batanes. Sa Sabado ng umaga ay inaasahang nasa 620 kilometro ng Hilangang Kanluran ng Basco, Batanes ang bagyo.

Nadagdagan pa ang mga lalawigan na nasa storm signal number 2 na kinabibilangan ng mga sumusunod:

– Cagayan
– Calayan Group of Islands
– Babuyan Group of Islands
– Isabela
– Batanes Group of Islands
– Apayao
– Kalinga
– Mt.Province

Signal No. 1 naman ang mga sumusunod na lalawigan:

– Abra
– Ilocos Sur
– Aurora
– Ifugao
– Nueva Viscaya
– Quirino
– Benguet

Inaasahan na pag-iibayuhin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao lalo na sa western section na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Pinapayuhan pa rin ang mga mangingisda at maliliit na bangka na huwag pumalaot lalo na sa Eastern Seaboards ng Central at Southern Luzon at Visayas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply