UPDATE: P5-M ari-arian naabo sa Taguig

TINATAYANG mahigit P5 milyon halaga ng mga ari-arian ang natupok sa naganap sunog na umabo sa mga hanay ng mga negosyo at kabahayan kanina sa Taguig City.

Nabatid kay Taguig Fire Marshall Chief Insp. Junito Maslang, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang gusali sa kahabaan ng North Daang Hari dakong alas-11:35 ng umaga at mabilis na kumalat sa katabing commercial establishment at lotto outlet.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang sunog na umabot sa Task Force Bravo ang alarma bago tuluyang naapula dakong alas-12:35 ng tanghali.

Sinabi ni Maslang na nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang kanilang Arson investigators upang alamin kung ano ang pinagmulan ng apoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply