UPDATE: Paghahanap sa 4 na mangingisda sa lumubog na bangka tuloy

TULOY ngayon ang paghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) sa apat na mangingisda na nawawala matapos mabangga umano ang sinasakyan nilang fishing boat ng Chinese vessel sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan.

Mag-iikot ang rescue units ng PCG sa area ng Pangasinan, La Union at mga karatig pang lugar at sa mga direksyon na tinutumbok ng alon.

Ayon sa PCG, malayo sa pinagtatalunang Bajo de Masinoc o Scarborough Shoal ang pinaglubugan ng bangkang AXL John, dahil nangyari ang insidente sa 78 nautical miles ng Bolinao, Pangasinan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PCG sa Hong Kong Maritime Coordinating Agency, makaraang makatanggap ng impormasyon na isang bangka nila ang siyang nakahagip umano sa mga mangingisdang Pinoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply