UPDATE: Patay kay ‘Ambo’ 3 na, 6 nawawala

TATLO na ang patay habang anim pa ang nawawala bunsod ng pananalasa ng bagyong Ambo.

Base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), huling naitalang namatay ay ang isang hindi pa nakikilalang bata na nalunod sa Cainta, Rizal, na unang naiulat na nawawala.

Samantala, kasalukuyan pa ring pinaghahanap ang tatlong nawawala sa Pandan, Catanduanes; dalawa sa Lagonoy, Camarines Sur at isang mangingisda sa Sta. Maria, Romblon.

Patuloy pa ring mino-monitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong Ambo dahil lalo pang lumalakas ang bagyo na may taglay na lakas ng hanging 140 kilometers per hour (kph) at may pagbugsong aabot sa 170 kph kahit na papalabas na ito ng bansa.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa 380 kilometro silangan ng Basco, Batanes, bandang alas-4:00 kaninang madaling araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply