UPDATE: Patay sa lumubog na barko 7 na

PITO na ang naitalang patay mula sa lumubog na MV Josille 2 noong Martes ng gabi sa karagatang sakop ng El Nido, Palawan.

Ayon sa Philippine Coast Guard, inaalam na ngayon ang pagkakakilanlan ng ikapitong narekober na bangkay.

Una nang kinilala ang anim na bangkay na sina Jekamae Estarija, Pamela Anne Clariza, Nita Huyo, Severino Eliseo, John Aldrin Atienza at Juanito Tito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply