UPDATE: Patay sa lumubog na barko sa Palawan, 5 na

LIMA na ang naitatalang namatay kabilang ang isang bata makaraang lumubog ang isang passenger-cargo vessel sa karagatang sakop ng El Nido, Palawan kaninang madaling araw.

Nabatid na bandang alas-8:00 ng gabi nang lumayag ang MV Jociel 2 mula sa Liminancong Port na patungo sanang El Nido nang hampasin ng malalaking alon at tuluyang lumubog malapit sa isla ng Pagawanin.

May lulang 34 pasahero at 12 tripulante kasama ang kapitang si Jose Ramon De Castro ang lumubog na barko.

Unang nailigtas ang may 22 biktima, na ilang oras ding nagpalutang-lutang sa dagat at kasunod namang nakita ang 16 pang sakay ng barko.

Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation sa ilan pang nawawalang pasahero.

Sinasabing hindi na naabutan pa ng naglayag na barko na pag-aari ng Atienza Shipping Company na nakabase sa Batangas City ang pagpapalabas ng warning ng PCG.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply