UPDATE: Pulis-Maynila na nawawala lumutang sa ilog

LUMUTANG ang bangkay ng pulis Maynila na unang napaulat na nawawala noon pang nakaraang linggo sa ilog sa may boundary ng Maynila at Navotas.

Ayon sa report ng dzBB, base sa ulat ng Manila Police District, natagpuan ang bangkay na si SPO2 Teofilo Panlilio na may limang tama ng bala ng baril sa katawan.

Natagpuan din ang bangkay ng isang 24-anyos na babae na hinihinalang isang drug informant.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ang babaing natagpuan kasama ni Panlilio ay ang drug informant na kausap nito bago siya mawala.

Si Panlilio ay napaulat na nawala makaraan ang kanilang anti-drug operation sa Isla Puting Bato noong nakaraang linggo.

Una rito, humingi ng tulong ang asawa ni Panlilio na si Adelaida sa MPD matapos makakuha ng impormasyon na ang kanyang asawa ay dinukot ng mga hindi nakilalang kalalakihan.

Ayon kay Mrs. Panlilio, nakatanggap siya ng tawag na may natagpuang pulis na may nameplate na “Panlilio,” na dinukot ng hindi nakilalang kalalakihan sa videoke bar, may anim na tama ng bala ng baril, dinala sa isang bangka at itinapon sa tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply