UPDATE: Red alert status sa La Mesa Dam tinanggal na

SIMULA pa kagabi (Hunyo 19) inalis na ang red alert status sa La Mesa Dam at ngayon ay nasa yellow alert na lamang matapos bumaba ang water level nito.

Magugunitang noong Lunes ng umaga (Hunyo 18) ay itinaas ang red alert status sa nasabing Dam nang umabot sa 79.77 meters, malapit sa spilling level nito na 80.16 meters.

Binabantayan pa rin ng mga kinauukulan ang La Mesa Dam at iba pang pangunahing dam sa bansa dahil sa inaasahang pagpasok ng panibagong bagyo sa teritoryo ng Pilipinas mamayang gabi o bukas ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply