UPDATE: Rotational brownout naranasan ngayong araw

NARANASAN ang rotational brownout sa iba’t ibang lugar sa bansa simula kaninang umaga matapos magkaproblema ang mga planta na nagsusuplay ng kuryente sa Meralco.

Kabilang sa mga plantang ito ang San Lorenzo Powerplant at Sta. Rita Inihan Powerplant sa Batangas City.

Ayon kay Meralco Spokesperson Dina Lomotan, nasa 300 megawatts ng kuryente ang kakulangan kaya’t kinailangang magpatupad ng rotational brownout na tatagal hanggang mamayang alas-8:00 ng gabi.

Samantala, inaasahan na hindi na mararanasan ang rotational brownout sa araw na ito kaya’t hindi na dapat mag-alala ang mga Pinoy sa panonood ng Pacquiao-Bradley fight.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply