UPDATE: Sarangani binaha: 2 patay, 4 nawawala

PATAY ang dalawa katao habang apat naman ang nawawala makaraang bahain bunsod ng malaking alon sa dagat sa Glan, Sarangani province.

Nakilala ang nasawi na sina Orlando Mata, ng Davao del Sur; at Primo Ortega, ng Maasim, Sarangani.

Samantala, umaabot na sa 54 ang nailigtas na mga mangingisda na naabutan nang malalaking alon kung saan karamihan sa mga ito ay taga Maasim.

Nabatid na binaha ang mga barangay ng Cruz, Pangyan, Big Margus at Poblacion Glan.

Aabot naman sa 560 na pamilya ang naapektuhan ng pagbaha na karamihan ay lumikas patungo ng gym sa Pangyan at Big Margus habang ang ilan ay mas ninais na manatili na lamang sa kanilang tahanan.

Tinatayang aabot na sa mahigit na P7.2 milyon ang halaga nang nasirang mga panamin, fishpond, mga bahay, tulay at iba pa, habang limang bangka rin ang lumubog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply