UPDATE: Storm signal No. 1 itinaas sa Eastern Samar

ITINAAS na sa storm signal number ang Eastern Samar.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, napanatili ng bagyong Butchoy ang kanyang lakas habang papalapit sa nabanggit na lalawigan.

huling namataan ang bagyong Butchoy sa layong 500 kilometer sa Silangan-Timog-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na hanggang 140 kilometro bawat oras habang tinutumbok ang Kanluran Hilagang-Kanluran sa 11 kilometro bawat oras.

Bukas, Sabado, si Butchoy ay inaasahang nasa layong 330 kilometro Silangan ng Borongan, Eastern Samar at sa araw ng Linggo ay inaasahang nasa layong 410 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Casiguran, Aurora.

Sa Lunes naman ay inaasahang si Butchoy ay nasa layong 320 kilometro ng Timog Silangan ng Basco, Batanes.

Inaasahan naman na lalabas ng Philippine area of responsiblity ang bagyo sa Martes.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na hindi tatama sa lupa ang sentro ni Butchoy ngunit magdadala ito ng ulan dahil sa lawak ng ulap na dala nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply