UPDATE: Tsuper ng tren walang kasalanan — PNR

WALANG pananagutan sa batas ang tsuper ng Philippine National Railway na sumuwag sa isang traysikel na puno ng pasahero sa Camarines Sur nitong nakaraang linggo, pahayag kaninang umagg ng isang opisyal ng PNR.

Sinabi ni Jun Ragrario, PNR general manager, na ang PNR train ay may right of way at ang traysikel drayber ang dapat na maging alisto sa pagbasa sa mga traffic warning signs sa lugar.

“Hindi responsable ang driver ng PNR sa insidenteng ito…ang responsable ay ang driver ng tricycle.. The tricycle driver should have exercised responsible behavior; stop, look, listen. It was incumbent on him, hindi na dapat siya tumuloy,” paliwanag ni Ragrario.

Gayunman, sinabi ni Ragrario na bukas ang PNR para sa anomang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Anim katao kabilang ang isang titser at dalawang estudyante ang namatay habang ilan pa ang sugatan nang suwagin ng isang PNR train ang isang tricycle na may 7 pasahero sa Iriga City, Camarines Sur noong nakaraang Biyernes ng umaga.

Sa kabila naman nito, idinagdag ni Ragrario na magpapaabot ng tulong ang PNR board sa mga pamilya ng mga biktima ng malagim na insidente.

Samantala, lalagda sa isang memorandum of agreement sa iba’t ibang local government units LGUs ang PNR sa mga lugar na may riles ng tren para sa pagkakasa ng 113 crossing barriers para hindi na maulit ang pangyayaring nabanggit.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Ragrario na magdadagdag pa sila ng nga tauhan para bantayan ang mga crossing barriers.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply