US kabado sa pagiging agresibo ng China

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang US military top official sa ipinarating na isyu ng Department of National Defense (DND) hinggil sa pagiging agresibo ng China sa Scarborough Shoal o West Philippine Sea.

Sa meeting nina DND Usec. Honorio Azcueta at Gen. Martin Dempsey, chairman of the US Joint Chiefs of Staff, sinabi ng huli na nakakabahala na ang nagpapatuloy na tensyon sa nasabing lugar.

Sinasabing ang magagawa lang ngayon ng Amerika sa Pilipinas ay ang pagdagdag ng tauhan lalo na sa mga disaster response.

“US concerned with China’s aggressive actions in West Phl Sea,” ani Azcueta.

Ang pagbisita ng U.S. general sa Pilipinas ay para mapalakas pa ang bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos.

Si Dempsey ay dating hepe ng U.S. Army Training and Doctrine Command, Multi-National Security Transition Command-Iraq, 3rd Armored Cavalry Regiment at 1st Armored Division commander.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply