US naglabas ng travel warning sa Sulu

MULING nagpalabas ng “travel alert” ang US Department of State para balaan ang kanilang mga mamamayan na huwag na munang bumiyahe patungong Sulu.

Ang travel alert ay inilabas dahil sa mataas na kaso dito ng kidnapping, insurgency at terorismo kasunod ng sinasabing pagkakadukot sa Jordanian journalist na si Baker Abdulla Atyani at dalawang Pinoy TV crew nito na sina Rolando Letrero at Ramilito Vela.

Maliban dito, pinayuhan din ng pamahalaan ng Amerika ang kanilang mga kababayan na iwasan din ang pagbiyahe sa Cotabato City, Maguindanao at Sultan Kudarat na kalimitang pinangyayarihan ng mga pagpapasabog, pag-atake at engkwentro ng militar at mga rebelde.

Kaugnay nito, nanawagan din ang U.S. para sa agarang solusyon para mabatid ang tunay na kalagayan ng Jordanian Journalist.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply