Utak ng mga bata kinakain ng Tsino para magamot ang kanyang epilepsy!

ISANG kahindik-hindik na uri nang panggagamot sa kanyang sakit ang isinasagawa ng 29-anyos na Tsino- ang biyakin at kainin ang utak ng mga bata kasama ang sahog na mga bulate!

Maihahalintulad sa horror film ang ginawa ng villager na si Wang Chaoxu, na nagmula sa southwest Chinese village ng Qixian, China.

Si Chaoxu ay pinaniniwalaang pumapatay ng mga paslit at kabataan upang ipanggamot niya sa kanyang pinagdurusahang sakit na epilepsy.

Isang gabi, ang 11-anyos na si Li Xuetang ay nawala mula sa kanilang bahay. Sa pag-aalala ng ina, nakiusap siya sa pinuno ng kanilang lugar na ipanawagan sa radio ang pagkawala ng kanyang anak.

Noong January 23, natagpuan ang bata na patay na, nakabukas ang ulo at inalis ang bahagi ng utak nito!

Nang imbestigahan ng mga awtoridad ang pangyayari, isang nagpakilalang Zhang Huansheng ang nagsabi na nakita niya ang isang lalaki na nakaluhod hawak sa leeg ang isang bata.

Nang lumapit si Huangsheng, inakala niyang anak ito ng lalaki. Lalo pa nang sinabi nitong,

“Hinimatay ang aking anak kaya’t sinusubukan ko siyang gisingin. Baby, gumising ka, gumising ka!”

Bukod pa sa batang lalaki, isang bangkay ng 3-anyos na paslit na babae ang natagpuan naman sa pampublikong banyo na may hiwa ng kutsilyo sa kanyang ulo.

Pinaniniwalaang si Chaoxu rin ang may kagagawan sa pagkamatay ng paslit, kaya’t dinakip nila ito sa kasong pagpatay sa dalawang bata at pagkain sa kanilang mga utak.

Hinihintay niya ngayon ang paglilitis habang nakakulong sa isang local detention center dahil sa kakila-kilabot na pagpatay sa mga biktima.

Ayon pa sa  ulat, inihahalo ni Chaoxu ang mga utak ng bata sa mga bulate bago kainin para gamutin ang kanyang sakit, ito umano ang paniniwala ng kanilang lugar sa panggagamot sa epilepsy.

About Thor

3 Comments

  1. Totoy Tigas

    August 19, 2012 at 12:36 pm

    Malupit talaga utak ng mga chekwa kaya kumakain din sila ng utak ng tao.

    • deadman incorporated

      November 1, 2012 at 9:19 am

      ganyan paniniwala nila..dapat utak na lng ng mga corrupt govenrment yung pkain sa kanya..hahaha

  2. abdol

    December 4, 2012 at 12:59 pm

    Bungo kya nya biyakin at pakain sa kanya utak nya…..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>