Utak sa lutuan ng Pacman vs Bradley fight, papanagutin

PINASALAMATAN ng pinagkakatiwalaang adviser ni Pinoy boxing icon Manny Pacquiao ang World Boxing Organization sa ginawa nilang desisyon sa pagrebisa ng laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley bagamat wala namang nabago sa bagong desisyon.

“The WBO… they’re serious in conducting their own investigation and coming to the conclusion that Manny won,” ani Michael Koncz, tagapayo ni Pacquiao.

“I’m happy that the WBO took the time to review and do what they did,” dagdag ni Koncz.

Inanunsiyo ng WBO na ang 5 international judges ay muling iniskoran ang kontrobersiyal na  laban ni Pacquiao vs Bradley kung saan ang lahat ng judges ay pumabor kay Pacquiao.

Pero hindi naman mabaligtad ng WBO ang orihinal na resulta ng laban: ang split decision na pumabor kay Bradley.

“It doesn’t change anything. The records are gonna be the records,” ani Koncz.

Pero magkagayunpaman, ayon kay Koncz, ang ginawa ng WBO ay dapat pa ring pasalamatan.

Sinabi ni Koncz na hihintayin nila ang resulta ng isinasagawa ring imbestigasyon ng Nevada State Attorney General’s office, na hinahanap din ang ugat ng sirkumstansiya hinggil sa pag-iskor ng laban sa kahilingan na rin ng Top Rank boss Bob Arum.

Magkagayuman, ang kontrobersiya na nilikha ng Pacquiao-Bradley fight ay maaring rumesulta sa pagreporma sa boksing, ani Koncz.

Hiniling naman ng mga boxing fans an papanagutin dapat ng batas ang sindikato o utak sa naganap na lutuan sa laban nina Pacman at Bradley dahil ito umano ang sisira sa sports na boksing.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply