Van vs dyip: 8 sugatan sa La Union

MALUBHA ang driver ng pampasaherong dyip habang pitong iba pa ang sugatan nang bumangga ang kanilang sinasakyan sa isang closed van sa Brgy. Santiago, Bauang, La Union kaninang madaling araw, Hunyo 22.

Nagtamo ng matitinding sugat sa katawan ang driver ng dyip na kinilalang si Mauricio Contawi, 41, may asawa, tubong Brgy. Dinaratan, Salcedo, Ilocos Sur at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Dili, Bauang, La Union.

Kinilala naman ang driver ng van na si Christopher Ferrer, 27, may asawa, ng Brgy. Maoas-oas, Pugo, La Union.

Nabatid na iniwasan ng closed van ang barikada sa kalsada kung kaya’t umagaw sa linya ng nakasalubong na dyip na naging dahilan ng banggaan ng dalawang behikulo.

Kasalukuyang ginagamot sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando, naturang lalawigan ang  iba pang sugatan na sina Roldan Muyano, 17, pahinante ng dyip; Victor Go, 37; Reynante Abad, 23; Jonathan Mayo, 18, at Anita Contawi, 57, lahat ay residente ng Barangay Dili, ng nasabi ring bayan.

Nagtamo rin ng sugat ang closed van driver at ang kasama nito na si Jacklord Reyes, 32, may asawa, ng Calasiao, Pangasinan at dinala rin sa nasabing ospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply