Vatican: ‘Aleteia’ mag-uugnay sa 1B Katoliko

NAGBUO ang maimpluwensyang Vatican ng sariling social networking site para sa mas madaling pakikipag-komunikasyon sa mahigit isang bilyong Katoliko sa buong mundo.

Magkatuwang ang Pontifical Council for Social Communication, Pontifical Council for New Evangelization at H2Onews sa pagbuo ng ‘Aleteia: Seekers of Truth (aleteia.org)’, bilang tugon sa panawagan ng Santo Papa para sa panibagong evangelization,.

Ayon sa creators ng site, ang ‘Aleteia’, na ang kahulugan ay ‘katotohanan,’ ay inaasahang magiging accessible multi-media online reference para sa mga katanungan ng mga Katoliko  hinggil sa kanilang pananampalataya at iba pang mga concern kaugnay nang paghahanap nila ng katotohanan.

Hinihimok rin ng site ang mga miyembro o friends nito na magpaskil ng kanilang mga katanungan hinggil sa pananampalataya, buhay at lipunan.

Kumpiyansa rin ang simbahan na matutulungan ng site na malinawan ang mga taong mayroong pagdududa sa kanilang pananampalataya.

Nangangako rin ang site na magbibigay ng “clear, documented at multi-media” na sagot sa mga katanungang may kinalaman sa pananampalatayang Katoliko.

“We want people to know, understand and experience what we believe in as Catholics, and invite every seeker to find with us the right answers,” ayon pa sa mga lumikha ng site.

Anila, ang mga sagot na ibibigay ng Aleteia ay inihanda ng mga ekperyensadong journalists sa tulong ng mga espesyalista, at maaaring ipaskil bilang isang artikulo, video, podcast, reference at mga piling site na may kinalaman din sa bawat topic.

“Aleteia is intended to promote a worldwide dialogue on faith, and is designed to leverage the vast Catholic networks around the world so we can extend our reach to all those seeking truth,” anang creator ng site.

Under construction pa sa kasalukuyan ang site at plano itong pormal na ilunsad sa Setyembre 1.

Nauna nang nagparamdam ang Simbahang Katoliko sa Facebook, Twitter at Youtube upang lalo pang mapalaganap ang pananampalatayang Katoliko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply