Vendor patay, ka-live-in sugatan sa kapitbahay

PATAY ang isang vendor habang sugatan ang ka-live-in matapos pagsasaksakin ng lasing na kapitbahay habang ang una ay lumabas ng bahay upang bumili ng softdrinks sa Valenzuela City Miyerkules ng gabi, Hunyo 13.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Jungi Bengero, 24, ng Sison Francisco Cmpd., Karuhatan ng lungsod habang ginamot naman ang ka-live-in na si Jenelyn Tulang sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa nguso.

Kusang loob na sumuko si Eric Mentes, 33, at kapitbahay ng mga biktima.

Base sa ulat, dakong alas-11 ng gabi, palabas ng bahay ang nasawi upang bumili ng softdrinks subalit walang salitang pinagsasaksak ng suspek.

Nang makita ni Jenelyn ang pangyayari ay agad na lumapit upang saklolohan ang nasawi subalit ang una naman ang inundayan ng saksak ng suspek.

Matapos ang insidente ay dinala sa VGH si Jenelyn habang sumuko sa mga barangay tanod ang nahimasmasan na suspek kung saan nasabi ng huli na nawala sa sarili dahil sa sobrang alak na nainom.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply